「WAKARU」ga ichiban — Pinakamahalaga ang Pagkakaintindi
Lahat ng mga bata ay gustong makaintindi.
“Entender” é o melhor remédio
“N?o entendo” o que o professor diz. Como n?o entendo, “a aula fica sem gra?a”. Como está sem gra?a, eu “ando pela sala” e ent?o me fazem de bobo. Se me fazem de bobo, eu “brigo” e me isolo. Para quebrar este círculo vicioso, antes de mais nada, precisamos fazer o aluno entender as aulas.
Entendendo, os estudos ficam interessantes. Se ficam interessantes, aprendem. Quanto mais aprendem, mais entendem e assim conseguem participar das aulas com todos os outros alunos. Para que possam participar das aulas, o remédio mais eficaz é o “entender”.
Pinakamabisang gamot ang pag-iintindi
Hindi maintindihan ng estudyante ang sinasabi ng titser. Dahil hindi maintindihan kaya siya ay nababagot. Dahil nababagot kaya paikut-ikot sa klase. Dahil paikut-ikot sa klase, pinagtatawanan at tinutukso, at dahil naman dito ay napapa-away at napapahiwalay. Para matigil ang ganitong vicious cycle, dapat ay siguraduhing naiintidihan ng estudiyante ang leksiyon higit sa lahat.
Magiging masaya ang pag-aaral kung ito’y naiintindihan, at dahil dito ay lalo pang gustong matuto ng estudyante. Dahil interesadong matuto ay mas maraming natutunan ang mga estudyante, kaya mas masaya silang nakakasali sa klase. “Naiintidihan ko.” Ito ang pinakamabisang gamot upang makasali nang husto sa klase.
Ano ang puwedeng gawin para maiintindihan ng estudyante ang leksiyon?
Mayroong tatlong paraan upang makatulong sa pag-aaral ng estudyante:
- (1) Pagturo nang naka-pokus sa Japanese language
- (2) Pagturo nang naka-pokus sa nilalaman ng mga subjects
- (3) Pagturo nang naka-pokus muna, sa nilalaman ng mga aralin, pagkatapos, sa Japanese language.
(1) Ang halimbawa ng unang paraan ay ang “Let’s Learn Japanese” 2 and 3 na inilalabas ng Ministry of Education. Dito ay habang pinag-aralan ang salitang Hapon, natutunan din ng mga estudyante ang mga nilalaman ng mga aralin. Epektibo ito sa mga estudyanteng mayroon nang alam tungkol sa mga aralin, o doon sa mga estudyante na may sapat nang kakayahan sa salitang Hapon at sa pag-unawa sa nilalaman ng aralin nang mag-isa kahit wala pang background sa mga subject.
(2) Ang pangalawang paraan ay nagbibigay halaga sa pagtuturo ng subject content sa lahat ng posibleng paraan. Itong teaching material ay sumusunod sa ganitong paraan. Ang “JSL curriculum” ng Ministry of Education ay halos ginawa rin batay sa konseptong ito. Subalit, kapag sobra ang pagbibigay diin sa pagtuturo ng content ay hindi nakakatulong sa pagkakatuto ng salitang Hapon. Kahit na naiintindihan ang content, maaaring hindi kayang gawin ng mga estudiyante ang mga susunod na problem solving sa matematika sa pamamagitan ng Japanese.
Ngayon, inaasahan namin na gagamitin ninyo itong teaching material ayon sa (3) pangatlong pamamaraan. Una, tulungan ang estudiyante upang maunawaan ang aralin sa “ganito at ganyang paraan”. Pagkatapos, sa tamang panahon, ituro sa estudiyante ang mga mahalagang Japanese expression at Kanji. Ang mangyayari ay magkakaroon ng sapat na oras na ginugol para matuto ang estudiyante ng mga nilalaman ng mga aralin. Pag matatag na ang pag-unawa dito, maari nang ipasok ang pagturo ng Japanese at madali na ang pag-aaral ng salita.
Ano ang ibig sabihin ng “lahat ng posibleng pamamaraan/ganito at ganyang paraan”?
Ating napag-usapan ang “lahat ng posibleng pamamaraan” at “ganito at ganyang paraan,” pero ano nga ba ang dapat nating gawin dito? Mayroong limang mahahalagang pamamaraan sa pagtuturo ng iba’t ibang subjects kung ang estudiyante ay hindi marunong ng salitang Hapon:
- (1) Piliing mabuti ang mga nilalaman ng ituturo sa estudiyante
- (2) Palitan ang mga mahihirap na mga salita ng mga simple at madadaling salitang alam na ng bata/estudiyante
- (3) Gumamit ng mga visual aids
- (4) Paghati-hatiin ang leksiyon sa mga maliliit na hakbang (small steps)
- (5) Gamitin nang paulit-ulit ang mga salita upang madaling maisaulo
(1) Dahil sa situwasiyon na limitado ang oras para sa pagtuturo, hindi nararapat na ituro lahat sa maikling panahon, kung hindi, piliin lamang mabuti ang mga dapat ituturo.
(2) Sa pagpapaliwanag ng leksiyon, sikaping gamitin ang Japanese na madali at alam ng estudiyante. Kapag kinakapos sa oras, maaari ring gamitin ang mother tongue ng bata/estudiyante.
(3) Nararapat na gumamit ng maraming illustration at kagamitan sa pagtuturo upang madadagdagan pa ang limitadong kakayahan ng estudiyante sa Japanese.
(4) Hindi kaya ng estudiyante ang maintindihan at matutunan ang lahat ng nilalaman ng mga textbook sa isang subo. Batay sa kakayahan ng estudiyante, dapat itong paghati-hatiin na parang maliliit na subo. Ang maliliit na unit ay dapat hatiin pa sa mas maliliit. Ang mga mahahaba at mahihirap na pangungusap naman ay dapat gawing simple, at isa-sang kumpirmahin bago magpatuloy.
(5) Ang mahalaga ay tulungan ang estudiyante sa pagsaulo ng leksiyon. Lalo na kapag may mga salitang hindi maipalit sa Japanese na alam ng estudyante, kailangan nila itong isaulo. Ngunit, hindi madali ang pagsaulo sa isang bagay na isa o dalawang beses lamang narinig sa ibang wika. Kailangang pagsikapan ng tagapagturo na ulit-ulitin ang mga sinasabi nang masanay ang estudyante sa pakikinig nito; magsulat sa blackboard at ituro ito habang nagsasalita; at iba pang nararapat na paraan.
Huwag kalimutan ang Japanese language instruction
Panatag ang kalooban ng guro at estudyante kung naiintindihan na ang nilalaman ng leksiyon. Pakiramdam nila ay natapos na ang lahat. Ngunit hindi ito sapat dahil hindi pa rin nakakasali nang husto ang estudiyante sa klase o nakakakuha man lang ng mataas na score sa test. Para sa estudiyante, malaking bagay ang pagkakuha niya o hindi ng mataas na score sa test. Upang makakuha ng mataas na score, kailangan ng sapat na kakayahan sa pag-unawa ng Japanese at pag memorya nito. Kailangan alam ng tagapagturo kung anong Japanese expression at kanji ang dapat ituro sa estudiyante sa isang unit at palaging i-review sa tuwing matatapos ang klase. Dagdag pa dito, para madaling mamemorize, ang importanteng words at expressions ay dapat gawing rhythmical na pangungusap, at ipabasa nang paulit-ulit sa estudyante. Nakakatulong din gumawa ng kanta at iparinig sa estudyante.
Para sa mga gagamit nitong teaching materials
- Teaching material para sa mga tagapagturo
Mahalaga ang mga teaching materials na ito kung ito’y ginagamit ng mga tagapagturo. Nilagyan ito ng mga teaching samples para lalong mapakinabangan ng mga guro - Para masubaybayan ang situwasiyon ng mga estudiyante
Bawat estudiyante ay iba-iba ang situwasiyon at tanging ang mga tagapagturo lamang ang nakakaintindi ng kanilang tunay na kalagayan. Bago gamitin itong mga teaching materials, kailangang alamin muna ng tagapagturo ang situwasiyon ng kanyang estudiyante at pagkatapos, maaaring gamitin itong materials ayon sa nararapat na pangangailangan at level ng estudiyante. - Higit sa lahat ay “Naiintindihan ko!”
Para sa mga estudiyante ang pinakamahalaga ay ang maintindihan nila. Pag naiintindihan nila ang pinag-aaralan nila, mas lalo silang mawiwili sa pag-aaral, kaya mas lalo silang matututo at makakapag-participate sa klase. Kaya ang mabisang gamot upang masayang makakasali sa leksyon ay ang masabi ng estudiyante na “Naiintindihan ko!” - Nararapat na baguhin ang ilang bagay ayon sa situwasiyon ng estudiyante.
Bawat estudiyante ay iba ang situwasiyon ayon sa lengguwahe at kultura, pinanggalingan, taon na inukol sa pag-aaral, at kapaligiran kung saan sila lumaki. Hindi madali ang gumawa ng teaching material na babagay at nararapat sa iba’t ibang pangangailangan. Kung minsan maaaring ang ibang teaching materials ay hindi nararapat sa ibang estudiyante. Ang guro lamang ang nakakaalam kung ano ang nararapat sa isang bata/estudiyante. Dahil dito, kailangang baguhin at iayon ito sa kanilang pangangailangan. Maaaring gamitin itong teaching materials bilang gabay o stepping stone.
Question & Answer tungkol sa teaching materials
- Q1 Alin ang dapat uunahin sa pagtuturo, ang subject content ba o ang Japanese language?
- Q2 Sa anong grade level nararapat ituro itong teaching materials?
- Q3 Anong Japanese level ang kailangan ng mga batang tuturuan sa pamamagitan nitong teaching materials?
- Q4 Anong level ng kanji ang kailangan ng mga batang tuturuan sa pamamagitan nitong teaching materials?
- Q5 Bakit iba ang paraan sa pagtuturo kaysa sa textbook?
- Q6 Bakit parang masyadong maraming pahina ang inilaan para sa kalkulasyon?
- Q7 Gaano katagal ang paggamit nitong teaching materials bago makayanan na ng bata ang sumali sa regular class?
- Q8 Kailangan bang may espesyal na karanasan (o training) bago gamitin itong teaching materials?
Q1 Alin ang dapat uunahin sa pagtuturo, ang subject content ba o ang Japanese language?
A1 Kapag hindi maaasahan na kaya ng estudiyante ang matutunan ang nilalaman ng leksyon at ang panibagong Japanese, unahin na lamang ang pagtuturo ng subject content.
Itong teaching materials ay :
(1) Nilagyan ng maraming guhit at larawan para doon sa mga estudiyante na wala pang masyadong kakayahan sa Japanese upang maintindihan nila ang nilalaman ng aralin ayon sa kanilang level ng Japanese.
(2) Iniuukol para pagkatapos matutunan ng estudiyante ang nilalaman ng aralin (subject content), ipinagpalagay na kaya na niyang pataasin ang kakayanan sa Japanese upang masundan ang aralin sa textbook.
Q2 Sa anong grade level nararapat ituro itong teaching materials?
A2 Hindi importante ang grade level, para ito sa mga estudiyanteng hindi nakakaunawa ng nilalaman ng aralin (subject content).
Ang teaching materials ay para sa mga estudiyanteng hindi nakakaunawa ng nilalaman ng aralin at ginawa ito ayon sa kanilang kakayanan. Kahit anong grade level ang estudiyante ay maaari niyang gamitin itong teaching materials kung hindi pa niya napag-aralan o hindi pa niya naiintindihan ang nilalaman ng aralin. Kabilang dito ang maayos at systematic na aralin sa addition at subtraction, at multiplication. Kahit sino ay maaaring gamitin ito sa kahit anong grade level.
Q3 Anong Japanese level ang kailangan ng mga batang tuturuan sa pamamagitan nitong teaching materials?
A3 Inaasahan na ang estudiyante ay nakakapagsalita ng kahit na sa pinaka-simpleng Japanese.
Kailangan na kaya ng estudiyante ang pagdugtung-dugtungin ang mga salita sa simpleng pag-uusap/komunikasyon.
Q4 Anong level ng kanji ang kailangan ng mga batang tuturuan sa pamamagitan nitong teaching materials?
A4 Hindi kailangan ang kakayanan sa kanji.
Ginagamit lamang ang hiragana dito sa mga teaching material sa dahilang ang mga estudiyante, kahit saan man lugar nanggagaling, kanji region man o hindi, ay magkaiba ang level ng kakayahan sa kanji. Kapag napag-aralan na ng estudiyante ang nilalaman ng aralin, kung maaari ay ulitin ang napag-aralang math problem at gamitin na ang kanji at ipabasa ito o sanayin uli. Huwag asahan na kakayanin ng estudiyante ang lahat ng tatlong uri ng comprehension/pag-uunawa, “pag-unawa sa content, pag-unawa sa pangungusap, at pag-unawa sa ginamit na salita”, kung hindi, sapat na ang pag-unawa sa kahit isa o dalawang uri lamang sa mga ito.
Q5 Bakit iba ang paraan sa pagtuturo kaysa sa textbook?
A5 Itong teaching material ay ginawa para sa layunin na maintindihan ng estudiyante ang nilalaman ng aralin.
Ginawa ito at naka-base sa textbook na ginagamit sa eskwelahan, ngunit sa mga situwasyon na mahirap na ang paraan ng pagtuturo sa textbook at mahihirapan na ang estudiyante sa pag-unawa rito ay maaaring mag-iiba na ang kaanyuan nito kaysa sa textbook. Una ay suriing mabuti ang situwasyon ng estudiyante at magsimula sa isang level na mas mababa kaysa sa kasalukuyang level ng bata. Magpapakita ng interes sa pag-aaral ang bata kung naiintindihan nya ang aralin. Habang mas lalo silang nagiging interesado sa pag-aaral, mas lalo silang natututo. Kung marami silang natututunan, maaari na silang sumali sa klase at mag-aral kasama ng mga kaklase nila. Kapag natututo na sila ng kanilang aralin sa pamamagitan nitong teaching materials ay hikayatin silang gamitin at masanay na rin sa paggamit ng kanilang textbook.
Q6 Bakit parang masyadong maraming pahina ang inilaan para sa kalkulasyon?
A6 Kapagang estudiyante ay hindi nakakaintindi ng Japanese, iniisip niya kaagad na mahihirapan siyang umunawa ng pangungusap ng math problem. Sa katunayan,
Ang mga salita at pangungusap na ginagamit sa matematika sa elementarya ay hindi masyadong naiiba sa mga salita sa pang-araw-araw na pag-uusap at kung tuturuan lamang siya ng ibig sabihin ng mga salita, makakayahan na ito ng estudyante. Subalit, ang mga salitang “kuriage carrying” at kurisage “borrowing” ay hindi pang-araw-araw na mga salita at sa klase sa matematika lamang sila natutunan. Kung iisipin ninyo na madali ang pagtuturo ng kalkulasyon, hindi ninyo mapapansin ang mga parte kung saan ay madaling madapa o magkakamali ang mga estudiyante.
Q7 Gaano katagal ang paggamit nitong teaching materials bago makayanan na ng bata ang sumali sa regular class?
A7 Walang isahang sagot dito dahil bawat estudiyante ay magkaiba ng situwasyon.
Magkaiba ang mga estudiyante sa maraming bagay, at kung kailian nila maiintindihan ay hindi pare-pareho at depende sa isa’t isa. Kung paano natututo ang estudiyante ay depende sa maraming bagay katulad ng karanasan sa pag-aaral at bilang ng oras na ginugol sa pag-aaral. Itong teaching materials ay hindi sagot sa lahat ng problema. Ito ay nagsisilbing tulay upang makasali sila sa regular na klase. Ang mga guro ay dapat gumawa ng mga gamit sa pagtuturo na angkop sa pangangailangan ng kanilang estudiyante.
Q8 Kailangan bang may espesyal na karanasan (o training) bago gamitin itong teaching materials?
A8 Ginawa itong teaching materials para sa gamit ng pangkalahatan, mayroon man o wala silang karanasan sa paggamit nito.
Itong textbook ay textbook para sa mga tagapagturo. Ang mga sumusunod ay tinutukoy na mga target na tagagamit nitong teaching materials:
(1) Teachers at assistant teachers na tagahawak ng klase sa International Understanding/Language class
(2) Class Teachers
(3) Volunteers
Kahit marami kang karanasan sa pagtuturo o wala man, maaari kang magturo pag sundan ang nilalaman ng teaching materials na ito. Sa “Mga Gabay sa Pagtuturo,” ipinaliwanag ang mga importanteng bagay sa pagtuturo sa bawat leksyon.