Mga Kagamitan sa Pagtuturo (Teaching Materials) na Maaring I-download at Gamitin
Ang Tokyo University of Foreign Studies Multilingual, Multicultural Education Research Center ay gumagawa ng mga kagamitan sa pagtuturo (teaching materials) para sa mga batang mag-aaral na galing sa ibang bansa na naninirahan dito sa Japan. Unang sinimulan itong proyekto para sa mga batang galing sa Brazil, at sa kasalukuyan ay ipinagpapatuloy ito para naman sa mga batang galing sa Pilipinas na naninirahan ngayon dito sa Japan.
Ang pangalan nitong proyekto ay “Project Agila”. Ang ibig sabihin ng agila ay “eagle”. Mayroong isang uri ng agila na nakikita lamang sa kagubatan ng Mindanao sa Pilipinas. Ito ang tinaguriang pinakamalaking agila sa buong daigdig. Ang agila ang pambansang ibon ng Pilipinas na kilalang-kilala sa buong bansa. Malakas ito at may matalim na tuka, samakatwid, inaasahang makapag bibigay ng lakas at tiwala sa sarili. Mapagmamalaki ng mga batang Pilipino, kaya ito ang napiling pangalan ng proyekto.
Sa kasalukayan ang kagamitan sa pagtuturo ng Matematika at KANJI (Chinese character) ay magagamit.
Ito’y mahalagang kagamitan hindi lamang sa mga paaralan, kundi pati na rin sa mga support o volunteer classroom sa komunidad at mahalagang tulong rin na magagamit sa pag-aaral sa bahay, kaya inaanyayahan naming kayong gamitin ito.
《Ang kagamitan sa pagtuturo ng matematika》
Batay sa naunang ginawang kagamitan sa pagtuturo para sa mga estudyanteng galing sa Brazil, tatlong klaseng materyal ang inihanda namin, ang “Para sa mga Mag-aaral”, “Para sa mga Japanese Instructors” at “Para sa mga Filipino Instructors”. Ang “Para sa mga Mag-aaral” ay gumagamit ng simpleng Nihonggo, at sa mga tulong ng guhit, larawan at salin sa sariling wika ay maintidihan ng mga mag-aaral sa matematika. Ang “Para sa mga Japanese Instructors” ay nilagyan ng mga tulong at gabay sa pagtuturo upang lalong mapahusay ang kanilang gawain. Katulad din, ang “Para sa mga Filipino Instructors” ay nilagyan ng salin sa Ingles at Tagalog upang ang nilalaman ng mga aralin ay lalo nilang maunawaan.
《Ang kagamitan sa pagtuturo ng KANJI》
Isang kagamitan sa pagtuturo na may magandang ilustrasyon at paliwanag sa Tagalog na nakalakip sa mga paliwanag upang tumulong na mapadali ang pag-aaral ng KANJI ng masaya at magkaroon ng interes. Kung sa gayon man ito ay aming kaluguran.
Tokyo University of Foreign Studies
Center for Multilingual Multicultural Education and Research
Tel: 042-330-5454
Fax: 042-330-5448