- Pagdaragdag, Pagbabawas (Addition, Subtraction)
- Pagpaparami (Multiplication)
- Pagbabahagi (Division)
- Hating-bilang, Praksiyon (Fractions)
- Tungkol sa Kagamitan sa Pagtuturo (Teaching Materials) sa Matematika
- Aralin ng KANJI sa unang baitang
- Aralin ng KANJI sa pangalawang baitang
- Aralin ng KANJI sa pangatlong baitang
Materyal sa Pagtuturo para sa mga Mag-aaral na mula sa South America na Gumagamit ng Wikang Espanyol
Materyal sa Pagtuturo para sa mga Vietnameseng Mag-aaral
Materyal sa Pagtuturo para sa Thai ng Mag-aaral
Materyal sa Pag-aaral ng KANJI sa sarili para sa mga Braziliano
Matematika
Teaching Materials sa Matematika Para sa Mga Estudiyanteng Pilipinong Naninirahan sa Japan - Warizan Master Nihongo Clear
Itong edisyon na [Divsion] ay parte ng serye ng mga teaching material sa matematika na ginawa para sa mga estudiyanteng Pilipinong naninirahan dito sa Japan sa ilalim ng [Proyekto Para sa Pagbuo ng Mga Kagamitan/Materyal sa Pagtuturo Para sa Mga Estudiyanteng Pilipinong Naninirahan sa Japan (Project Aguila)]. Ito ang kasunod ng [Addition, Subtraction] [Multiplication] na edisyon na ginawa para sa mga tagapagturo sa mga estudiyanteng Pilipinong pumapasok sa mga public school dito sa Japan at sa mga tagapagturo nila.
Ito ay ginawa para sa mga estudiyanteng hindi ganap na nakakaintindi ng mga aralin sa matematika dahil sa kakulangan ng kaalaman sa salitang Hapon. Habang natututo sila ng mga konsepto sa matematika, kasabay nito, ay natututo rin sila ng minimum lamang ngunit sapat na mga salitang Hapon na kailangan nila sa pag-intindi ng mga konsepto. Ito ay may tatlong (3) uri: “Para sa Estudiyante”; “Para sa Japanese Instructors”; at, “Para sa Pilipinong Instructors”.
Ang edisyong “Para sa Mga Instructor” ay nilagyan ng mga praktikal na mga gabay na maaaring isaalang-alang ng mga tagapagturo upang maging mas epektibo sa paggamit nitong mga materyal: ang daloy ng mga nilalaman para sa pagtuturo; mga bahaging nangangailangan ng maingat na konsiderasyon, at iba pa. Bilang dagdag na tulong sa pag-unawa ng mga materyal sa pagtuturo, inihanda namin ang glossary sa Ingles at Tagalog. Ang “Para sa Mga Filipino Instructors”, may kasamang pagbasa sa Romaji pati na rin ang salin sa Ingles at Tagalog.
【Para sa Mag-aaral】
Ang layon nito ay ang mga batang Pilipinong mag-aaral ay matututo sa matematika sa gamit ng salitang Hapon, kaya ay iniwasan ang paggamit ng kanilang sariling wika. May inihandang listahan ng mga mahalagang salita at mga halimbawang pangungusap (Yoogo to Bun) sa unang pahina ng bawat yunit.
【Para sa mga Japanese Instructor】
Ang ginawang bersiyon “Para sa Mag-aaral” ay dinagdagan ng mga “Mga Gabay sa Pagtuturo”. Upang magamit ito para sa pagtuturo ay dinagdagan ng mga “Points and Hints for Instruction” madaling gani tin ng mga Japanese instructors ang mga kagamitan nito sa pagtuturo (teaching materials).
【Para sa mga Filipino Instructor】
Ang ginawang bersiyon “Para sa Mag-aaral” ay nilagyan ng pagbasa sa Romaji at may kalakip na salin sa Ingles at Pilipino/Tagalog. Para sa mga Pilipinong tagapagturo o kaya’y mga magulang o tagapag-alaga na nahihirapan sa pagbasa at pagsulat sa salitang Hapon, itong mga kagamitan sa pagtuturo (teaching materials) ay nilagyan ng pagbasa sa Romaji upang kanilang mabasa at magamit sa kanilang pagtuturo sa kanilang estudyante o mga anak. Nilagyan din ng salin sa Ingles at Pilipino/Tagalog upang kanilang maintindihan ang nilalaman ng mga aralin sa teaching materials na ito【Para sa Mag-aaral】.
Maaari ninyong tingnan ang susunod na website para sa Q & A, tungkol sa teaching materials sa matematika at sa konsepto nito.
Tungkol sa Kagamitan sa Pagtuturo (Teaching Materials) sa Matematika |
Paggamit
- Itong mga kagamitan sa pagtuturo (teaching materials) ay mga printed materials. Bago ito gamitin ay basahin muna ang pangunahing pahina ukol sa <Division>“[Para sa Japanese Instructors] Mga Mahalagang Katangian ng Teaching Materials: Sa Mga Instructors” (PDF: 135KB), o <Division>“[Para sa Filipino Instructors] Mga Mahalagang Katangian ng Teaching Materials: Sa Mga Instructors” (PDF: 158KB).
- Itong teaching materials ay nababahagi sa tatlo: Gamit “Para sa Mag-aaral”, “Para sa Japanese Instructors”, at “Para sa Filipino Instructors”. Tungkol sa mga katangian ng bawat isa, tingnan ang <Division>“[Para sa Japanese Instructors] Mga Mahalagang Katangian ng Teaching Materials: Sa Mga Instructors”(PDF: 135KB), o <Division>“[Para sa Filipino Instructors] Mga Mahalagang Katangian ng Teaching Materials: Sa Mga Instructors” (PDF: 158KB).
- Mayroong dalawang paraan ng pag download: “Isahang Pag-download” o “Paisa-isang Pag-download ng Bawat Yunit”. Para doon sa mga gustong siyasatin ang buong teaching material ay nirerekomenda namin ang “Isahang Pag-download”.
- Aming binuo ang listahan ng mga mahalagang salita na ginawa at inihanay sa Japanese, Ingles at Pilipino/Tagalog <Division>“Glossary” (PDF:141KB). Gamitin ayon sa inyong pangangailangan.
- <Division>“[Para sa Japanese Instructors] Mga Mahalagang Katangian ng Teaching Materials: Sa mga Instructors” (PDF:135KB)
- <Division>“[Para sa Filipino Instructors] Mga Mahalagang Katangian ng Teaching Materials: Sa mga Instructors” (PDF:158KB)
- <Division>“Glossary” (PDF:141KB)
- Isahang Pag-download ng Teaching Materials
- <Division>Para sa Japanese Instructors (PDF:3.6MB)
- <Division>Para sa Mag-aaral (PDF:3.2MB)
- <Division>Para sa Filipino Instructors (PDF:5.8MB)
Para sa Japanese Instructors Para sa Mag-aaral Para sa Filipino Instructors
Leksiyon | Titulo | Mga Nilalaman Para sa Pagtuturo | Mga Expression sa Japanese | Download |
---|---|---|---|---|
Pabalat at Mga Nilalaman | Mag-ingat kayo kasi ang laman at mga bilang ng pahina ng [Para sa Japanese Instructors], [Para sa Mga Pilipinong Estudiyante]at [Para sa Filipino Instructors]ay iba-iba. | (384KB) (318KB) (393KB) |
||
1 | ONAJI KAZU ZUTSU WAKERU (Hatiin sa tig parehong bilang.) |
① Pag-unawa sa situwasyon na kung sa ilang katao mapaghahati ang isang bagay. | ① Expression sa paghahati ng isang bagay「WAKERU」(hatiin) 「□NINDE WAKERU」(hatiin sa □ tao) 「□KONO □O □NINDE WAKERU] (□ piraso ng O hatiin sa □ tao) | (448KB) (338KB) (593KB) |
② Pag-unawa sa situwasyon ng paghahati ng isang bagay sa ilang katao ng (tig parehong bilang). (Halimbawa): Hatiin ang 12 cookie sa 3 katao ng tig parehong bilang. | ② Expression sa paghahati ng isang bagay sa tig parehong bilang 「ONAJI KAZU ZUTSU WAKERU」 (Hatiin sa tig parehong bilang.) 「□KO ZUTSU WAKERU」 (Hatiin sa tig □.) | |||
2 | WARIZAN (Division) |
① Pag-unawa ng situwasyon sa division (paghahati) sa paggamit ng 「ZU」(diagram) 「KOTOBA」(salita) 「SHIKI」(math formula). | ① Masanay sa expression na 「ONAJI KAZU ZUTSU WAKERU」 (Hatiin ng tig parehong bilang.) at 「HITORI BUN」(Bahagi para sa isang tao) | (392KB) (282KB) (447KB) |
3 | KUKUGA TSUKAERU (Magagamit ang multiplication table.) |
① Pag-alam na magagamit ang multiplication table sa paglutas ng sagot sa division. | ① Arithmetical expression na madalas ginagamit katulad ng 「~O SHIKINI KAERU」 (Isalin sa math formula.) | (413KB) (301KB) (446KB) |
② Makuhang ilarawan sa isip ang kaugnayan ng division at multiplication table. | ② Masanay sa expression na「ONAJI KAZUNI WAKERU」 (Hatiin sa parehong bilang.) at「HITORI BUN」 (Bahagi para sa isang tao) | |||
4 | KUKUO TSUKATTE (Paggamit ng multiplication table) |
① Pag-sanay na gamitin ang multiplication table sa paglutas ng division. | ① Malaman ang expression ng 「ONAJI KAZU ZUTSU WAKERUTO~」 (Kapag hinati sa tig parehong bilang,) Ang pagkilala ng pang-ugnay sa pandiwa na「TO」 (kapag) na madalas ginagamit sa textbook ay mula sa araling ito. | (360KB) (249KB) (373KB) |
5 | BUNSHO MONDAI ① (Math problem ①) |
① Pag-sanay sa paghanap ng sagot ng mga math problem sa paghahati ng isang dami ng bilang sa pare parehong hati at alamin ang bilang ng isang bahagi para sa isang tao. | ① Ang pagsasagawa ng paghahati sa pareparehong dami / sukat ay di nagbabago, subalit ang gamit sa pagbibilang ng mga hahatiing「MONO」(bagay) na nagsasabi ng sukat at dami ng bilang ay nagbabago sa ibat ibang math problem. Halimbawa: Papel na may kulay 「MAI」; Lapis「HON」; laso 「cm」. |
(399KB) (286KB) (388KB) |
② Inilagay ang expression ng 「HITORI BUN」 (bahagi para sa isang tao), 「1 PON NO NAGASA」(haba ng isa) , 「1 PON BUN」(bahagi ng isang bagay (ribbon)). | ||||
6 | NAN NINNI? (Para sa ilang tao?) |
① Pag-alam sa paghanap ng sagot sa division na kapag ang isang dami ng bilang ay hahatiin sa tig parehong bilang, 「NANNIN NI WAKERARERUKA」(Sa ilang tao ito mahahati) | ① 「WAKERARERU」 (Mahati), isang pandiwa na naghahayag ng posibilidad | (465KB) (353KB) (613KB) |
② 「NI」 (sa), isang kataga (particle) upang magturo ng direksyon ng pagkilos 「NANNIN NI WAKERARERUKA」(Sa ilang tao ito mahahati?) | ||||
7 | BUNSHODAI ② (Math problem ②) |
① Pag papakilala sa tularan ng mga math problem ng measurement division | ① Kapag A (hon) piraso ng B ay paghatiin sa tig C (hon), sa ilan tao ito mahahati? | (462KB) (347KB) (506KB) |
② Kapag A (piraso) ng B na tig C (piraso) ay hinati sa D, sa ilang D ito mahahati. | ||||
8 | 1 YA 0 NO WARIZAN (Division na may sagot na 1 at 0) |
① Division na ang dividend at divisor ay mag kapantay ang laki, ito ay (Division na may sagot na 1). | ① 0 (zero) cookie (kalagayan na walang kahit isang cookie ) | (462KB) (349KB) (601KB) |
② Division na ang dividend ay 0, ito ay (dibisyon na may sagot na 0) . | ② 「NANIMO NAI MONOO WAKERU」(Walang bagay na hahatiin) (「NANIMO NAINODE WAKERARENAI」) (Walang anumang bagay kaya hindi maaring hatiin.) | |||
③ Pagkilala ng salitang 「NARU」 (maging) na nagsasabi ng resulta pagtapos palitan sa situwasiyon ng division.
Halimbawa.「HITORIBUNWA NANKONI NARIMASUKA」 (Magiging ilang piraso ang para sa isang tao?) |
||||
9 | NANBAI ① (Ilang beses ang laki / dami) ①) |
① Pag-alam sa paghanap ng sagot sa division ng isang bilang kung ilang beses ang laki / sukat upang makatumbas sa pinanggalingang bilang. | ① Expression ng 「"A" NO "B" BAI」 ("B" beses ng "A") | (440KB) (324KB) (515KB) |
② Expression ng kung ilang beses at pandiwa na kasamang gamitin Halimbawa:「NANBAI MOTTE IRUKA」 (Ilang beses kadami mayroon ito?) 「NANBAI DEKIRUKA」 (Ilang beses ang maaring magagawa?) |
||||
10 | AMARINO ARU WARIZAN (Division na may labis) |
① Division na may labis sa (2 digits) ÷ (1 digits). | ① 「"A" NINNI WAKERARETE, "B" KO AMARIMASU」
(Hinati sa "A" katao at may labis na "B".) Halimbawa:「4 NINNI WAKERARETE, 5 KO AMARIMASU」 (Hinati sa apat na tao at may labis na 5.) |
(485KB) (373KB) (617KB) |
11 | WARUKAZUTO AMARINO OOKISA (Ang laki ng divisor at labis) |
① May kasiguraduhang pag-unawa na kailangang mas maliit ang labis kaysa divisor. | ① 「TABA」(isang tali) 「TABANI SURU」(Gawin sa isang tali.) 「"A" TABA (3TABA ?4TABA)」("A" tali, 3 tali, 4 na tali) | (345KB) (234KB) (339KB) |
12 | WARIZANNO HISSAN ① (Written calculation na division ①) |
① Written calculation sa division na may labis sa (2 digits)÷(1digits). | ① 「KATATINI SURU」(Isagawa sa paraan ng) → 「HISSANNO KATATINI SURU」 (Isagawa sa paraan ng written calculation.) | (640KB) (408KB) (419KB) |
② 「~BA II」 → 「DOREO TUKAEBA IIDESHOUKA」(Alin ba ang mabuting gamitin?) | ||||
13 | WARIZANNO KIMARI ① (Alituntunin ng division ①) |
① Pag ang 「JOSUU」 (divisor) ay palalakihin ng "A" beses, ang 「SHO」 (quotient) ay magiging 1/A kahati ng "A". | ① 「~DATO」 → 「~GA 2KO DATO、~WA」 (Kung 2 piraso ang ~, ~ay) | (731KB) (501KB) (592KB) |
② Kapag ang 「HIJOSUU」 (dividend) ay pinalaki ng "A" beses, ang sagot「SHO」 (quotient) ay magigging "A" beses din. | ||||
14 | WARIZANNO KIMARI ② (Alituntunin ng division ②) |
① Kapag ang 「HIJOSUU」 (dividend) at 「JOSSUU」 (divisor) ay parehong palalakihin ng "A" beses, ang 「SHO」 (quotient) ay hindi magbabago. | ① 「"A" O "B" NI FUYASU」(Paramihin ang "A" sa "B".) → 「KUKKIO 24KONI FUYASHITE、」 (Paramihin ang cookie sa 24 piraso.) | (686KB) (454KB) (500KB) |
② Pagpapatibay sa nilalaman ng 13 aralin sa paggamit ng mga pangungusap. | ② 「~DE~」 → 「HITORIBUNWA 3 KODE KAWARIMASSEN」 (~ at ~) → (Ang isang bahagi para sa isang tao ay 3 piraso at hindi magbabago.) | |||
15 | 100 WO WARU WARIZAN (Division na hahatiin ng 100) |
① Pagpapakilala sa division na may ilang 10 bilang na hahatiin sa (1 digit) → 60÷2=30 | ① 「~SHITE KANGAERU」(Gawin ~ at mag-isip.) → 「100 KOZUTSU HAKONI IRETE KANGAERU」 (Maglagay ng tig 100 piraso ang isang kahon at mag-isip.) | (705KB) (470KB) (528KB) |
② Pagpapakilala sa division na may ilang 100 bilang na hahatiin sa (1 digit) → 600÷2=300 | ② 「"A"O TSUKATTE "B"NO KOTAEO MOTOMERU」 (Gamitin ang "A" upang hanapin ang sagot ng "B".) → 「4÷2 O TSUKATTE 40÷2 NO KOTAEWO MOTOMERU」 (Gamitin ang 4÷2 upang hanapin ang sagot sa 40÷2.) | |||
16 | KOTAEGA 2 KETA (Sagot na may 2 digits) |
① Paghiwalayin ang pagkalkula sa (tens) hanay ng 10 at (ones) hanay ng 1 ng mga bilang na 2 digits sa division na (2 digits) ÷(1digit). | ① 「~SHITE KANGAERU」 (Gawin ~ at mag-isip.) → 「69 O 60 TO 9 NI WAKETE KANGAERU」 (Paghiwalayin ang 69 ng 60 sa 9 at mag-isip.) | (625KB) (393KB) (374KB) |
17 | WARIZANNO HISSAN ② (Written calculation na division ②) |
① Paghanap ng sagot sa paggamit ng written calculation sa division na (2 digits)÷ (1digit) at ang sagot ay (2 digits). | ① 「TOKU」(hanapin ang sagot) → 「HISSANDE TOITE MIMASHOU」 (Hanapin ang sagot sa paggamit ng written calculation.) | (638KB) (410KB) (420KB) |
② 「~KUTE、~KUNAI」 → 「7NI ITIBAN TIKAKUTE, 7 YORI OOKIKUNAI」 (mas ~、hindi ~」 → (Pinaka mas malapit sa 7 at hindi malaki sa 7) | ||||
18 | WARIZANNO HISSAN ③ (Written calculation na division ③) |
① Paghanap ng sagot sa paggamit ng written calculation sa division na may labis sa (2 digits)÷(1 digit) at ang sagot ay (2 digits). | Walang bagong expression. | (597KB) (368KB) (305KB) |
19 | WARIZANNO HISSAN ④ (Written calculation na division ④) |
① Division na may labis sa (2 digits)÷(1 digit)=(2 digits) at ang hanay ng 10 (tens) ay mahahati ng tama lang. | Walang bagong expression. | (620KB) (385KB) (350KB) |
② Division na may labis sa (2 digits)÷(1 digit)=(2 digits) at ang hanay ng 1 (ones) ay hindi mahahati. | ||||
20 | 700 MAIO 5 NINDE (700 pirasong (papel) para sa 5 tao) |
① Division na may labis sa (3 digits)÷(1 digit)=(3 digits). | Walang bagong expression. | (605KB) (371KB) (366KB) |
② Division na may labis sa (3 digits)÷(1 digit)=(3 digits) at ang sagot ng pagbabawas (subtraction) ay magiging 0. | ||||
21 | 200 MAIO 4 NINDE (200 pirasong (papel) para sa 4 na tao) |
① Division na may labis sa (3 digits)÷(1 digit)=(2 digits) *Written calculation na ang hanay ng 100 (hundreds) ay hindi maaaring magkaroon ng quotient. | Walang bagong expression. | (618KB) (386KB) (331KB) |
② Division na may labis sa (3 digits)÷(1 digit)=(2 digits) at may magiging sagot na 0 sa pagbabawas (subtraction) o di kaya ang dividend ay mas maliit sa divisor. | ||||
22 | NANBAI ② (Ilang beses (ang laki / dami) ②) |
① Paghanap ng sagot sa kung ilang beses ang laki / dami na gamit ang division na (2 digits)÷(1digit). | ① "B" beses ng "A"m ay "C"m. Ilang metro ang "B" beses ng "A"m? | (642KB) (407KB) (383KB) |
② Paghanap ng sagot sa kung ilang beses ang laki / dami na gamit ang division na (3 digits)÷(1digit). | ② "A"m ay "B" beses ng "C"m. Ilang beses ng "C"m ang "A" m? | |||
③ "B" beses ng □m ay "C"m. Hanapin ang sagot na mailalagay sa □. | ||||
23 | 20 YA 40 DE WARU (Hatiin sa 20 o 40) |
① Division na (ilang 10)÷(ilang 10). | Walang bagong expression. | (591KB) (360KB) (385KB) |
② Division na (ilang 100)÷(ilang 10). | ||||
24 | 2 KETADE WARU ① (Hatiin sa 2 digits ①) |
① Division na may labis sa (2 digits)÷(2 digits)=(1digit). | ① 「~NANODE、~DEKIMASEN」(dahil ~, hindi maari ~) Halimbawa:「92WA 87YORI OOKIINODE HIKIZANGA DEKIMASEN」 (Dahil ang 92 ay mas malaki sa 87, hindi ito maaring ibawas.) |
(612KB) (380KB) (335KB) |
② 「~O~NI KAERU」(Baguhin ang ~ sa ~.) Halimbawa:「23 O 20 NI KAEMASU」(Baguhin ang 23 sa 20.) |
||||
25 | 2 KETADE WARU ② (Hatiin sa 2 digits ②) |
① Division na may labis sa (3 digits)÷(2 digits)=(1 digit). | ① 「~DEWA OOKISUGUIRU」(sa ~, masyadong malaki.) Halimbawa:「 23×6 DEWA OOKISUGIMASHITA.」 (Lumaki masyado sa sagot ng 23×6) |
(604KB) (375KB) (289KB) |
② 「SOKODE、~SHITE、~SHITEMIMASU」
(At doon, gawin ~ at tignang gawin ~.) Halimbawa.「SOKODE、1 TIISAKUSHITE、23×5 DE KEISSAN SHITE MIMASU」(At doon gawin na maliit ng 1 at tignang kalkulahin sa 23×5.) |
||||
26 | 2 KETADE WARU ③ (Hatiin sa 2 digits ③) |
① Division na may labis sa (3 digits)÷(2 digits)=(2 digit). | Walang bagong expression. | (610KB) (378KB) (304KB) |
27 | IROIRONA BUNSHODAI ① (Ibat ibang math problem ①) |
Walang mga nilalaman na bagong labas. | Panlagiang halimbawa na kumakatawan sa mga math problem ?「□NINDE ONAJI KAZUZUTSU WAKERUTO HITORIBUNWA」 (Kapag hinati ng tig parehong bilang sa □ tao, ilan ang isang bahagi para sa isang tao?) ?「1PANNI NANMAI」 (Ilang piraso ng (papel) para sa isang grupo?) ?「6 PONNI WAKERUTO 1 PONNO NAGASAWA」 (Kapag hinati sa 6 na piraso (ang tape) , ilan ang haba ng isa?) ?「HITORIBUNWA NANMAINI NATTE, NANMAI AMARIMASUKA。」 (Ilang piraso ng(papel) ang isang bahagi para sa isang tao at ilang piraso ng (papel) ang nalalabi?) |
(698KB) (458KB) (490KB) |
28 | IROIRONA BUNSHODAI ② (Ibat ibang math problem ②) |
Walang mga nilalaman na bagong labas. | Panlagiang halimbawa na kumakatawan sa mga math problem ?「HITORINI 5 MAIZUTSU WAKERUTO NANNINNI」 (Kapag hinati ng tig 5 piraso (ang mga papel) para sa isang tao, sa ilang tao ito ? ?「5KOZUTSU IRERUTO NANBAKONI」 (Kapag nilagyan ng tig 5 piraso , sa ilang kahon ito ?) ?「4cmZUTSU KIRUTO NANBON」 (Kapag pinutol ng tig 4 cm, ilang pirasong (tape)? ?「NANNINNI WAKERARETE NANMAI AMARIMASUKA」 (Sa ilang tao pinaghati at ilang pirasong (papel) ang natira? |
(654KB) (417KB) (438KB) |
29 | IROIRONA BUNSHODAI ③ (Ibat ibang math problem ③) |
Walang mga nilalaman na bagong labas. | Panlagiang halimbawa na kumakatawan sa mga math problem ?「WATASHIWA ORIGAMIWO 36MAI MOTTE IMASU。IMOUTOWA 9MAI MOTTE IMASU。WATASHIWA IMOUTONO NANBAI MOTTE IMASUKA。」 (Ako ay may 36 pirasong origami, ang nakababata kong kapatid na babae ay may 9 na piraso (ng origami), Ilang beses ang karami ng sa akin kaysa sa aking nakababatang kapatid na babae?) ?「NAGAI TEPUWA MIJIKAI TEPUNO 4 BAIDE 32cmDESU。 MIJIKAI TEEPUWA NAN cm DESUKA。」 (Ang mahabang tape na may haba na 32cm ay 4 na beses kahaba ng maikling tape. Ilang cm ang maikling tape?) |
(622KB) (386KB) (351KB) |
30 | BUNSHODAI KOMATTATOKIWA (Kapag may kahirapan sa mga math problem ay...) |
Unawaiin sa paggamit ng diagram ang pagkakaugnay ng tatlong mga bilang na nakikita sa division at lutasin ang math problem. Ilang lahat ang mayroon, para sa ilang tao, sa tig ilan ito mahahati ? |
Walang bagong expression. | (632KB) (401KB) (326KB) |
* Ang bahagi ng file hanggang dito ay PDF file.